Pope Francis, napili ang Antipolo Cathedral para pangunahan ang prayer marathon sa buwan ng Mayo

Napili ni Pope Francis ang Antipolo Cathedral na pangunahan ang prayer marathon para sa buwan ng Mayo upang hilingin ang divine intervention na tatapos sa COVID-19 pandemic.

Hiniling ng Vatican sa National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, na isang Marian sanctuary, na magdasal gamit ang Rosaryo para sa intention ng lahat ng pamilya sa buong mundo.

Sinabi ng Antipolo Cathedral  na ibo-broadcast ito ng live ng Vatican media sa Rome ng 6 p.m. sa May 7 o madaling araw sa oras dito sa Pilipinas.

Sa ilalim ng “marathon of prayer” ay magkakaroon ng livestream sa lahat ng Vatican media platforms sa bawat araw ng Mayo mula sa isa sa 30 napiling Marian shrines, na may iba’t-ibang prayer intention tungkol sa pandemya.

Pangungunahan naman ni Pope Francis ang pagbubukas ng isang buwang pagdarasal ng rosaryo sa May 1 na magtatapos sa May 31

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *