Portugal, wala nang naitalang COVID-related deaths

Naiulat ng Portugal na wala itong naitala na COVID-related deaths sa nakalipas na 24 oras na kauna-unahang beses makalipas ang halos siyam na buwan.

Mula nang mag-umpisa ang pandemya ay nakapag-ulat ang Portugal ng 16,965 na nasawi at 834,638 infections.

Nasa 196 lang ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Portugal.
Huling beses na nag-ulat ang Portugal ng zero COVID-related deaths ay noong August 3 pa.

Samantala, sinabi naman ng Portugal na tinayang nasa 20% ng 10-million na populasyon nito ang nabakunahan na ng isang dose ng COVID-19 vaccine at 7% naman ang nakatanggap na ng dalawang doses.

Mababatid na nagpatupad ang Portugal ng lockdown noong January para pigilan ang paglala ng COVID-19 surge.

Noong Marso naman ay unti-unti nang inalis ng Portugal ang mga restriksyon at mula noon ay nagawa na nitong mabuksan muli ang ilang mga paaralan, restaurant at cafe terraces, mga museums at hair salons. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *