Positibo at negatibong epekto ng “artificial intelligence” inilahad ng isang Media and Information Literacy Teacher

CAMARINES NORTE – Naniniwala ang isang Media and Information Literacy Teacher ng isang pribadong eskwelahan sa Camarines Norte na malaking hamon ngayong panahon ang paglaganap ng “artificial intelligence” o AI.

Kahit kasi nakadisenyo talaga ang artificial intelligence na matuto mula sa mga tao ay hindi maitatangging mas maraming tao ang natututo sa teknolohiyang ito na kung hindi magamit sa tama ay posibleng magdulot ng mas malaking problema lalo na sa mga kabataan.

Para sa Media and Information Literacy Teacher ng Mabini Colleges na si Edwin Datan Jr.,  kapwa may positibo at negatibong epekto ang AI.

Isa umano sa malaking hamon ngayon para sa kanilang mga guro ay ang pagbabago ng pag- uugali ng mga estudyante na nagiging tamad na dahil sa AI.

May mga kaparaanan naman umano silang mga guro para malaman kung ang mga isinusumiteng output ng mga estudyante ay nanggaling talaga sa sariling ideya o umasa lang sa AI.

Isa  pa sa nakakabahala ng maling paggamit ng AI ay ang paglaganap ng “deepfakes” at iba pang artificial intelligence-generated fake videos online na maging si Pope Francis ay nabiktima.

Ang deepfake ay isang pamamaraan ng paglikha at pag-publish ng maling impormasyon sa anyo ng mga video, audio at mga larawan.

Sa kabilang dako, sinabi ni Datan na nakakatulong naman talaga ang AI lalo na sa mga tulad niyang guro.

Sa huli may paalala si Datan kapwa sa mga magulang at kabataan sa paggamit ng AI.

PHOTO COURTESY: IT CHRONICLES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *