Positive parenting, isinusulong ng Council for the Welfare Children

Malakas ang panawagan ng Council for the Welfare Children o CWC na maisabatas ang positive parenting bill.

Ayon kay DSWD Undersecretary Angelo Tapales, at Executive Director ng Council for the Welfare of Children, itinutulak nilang maalis na ang corporal punishment sa mga bata, o pananakit ng sobra sa mga bata sa ngalan ng pag didisiplina.

Ipinunto ni Tapales na layon ng positive parenting na magbigay ng mas mahusay at mas mapagmahal na pamamaraan ng pag didisiplina sa mga bata.

Dito rin tuturuan ang mga magulang hindi lang sa tamang pagpapalaki ng bata, kundi ganundin sa tamang pagpapa-kain, at tamang pagdi-disiplina.

Samantala, noong nakaraang taon ay nag lunsad din ang CWC ng Makabata helpline 1383, para sa mga nais humingi ng tulong, lalo na ang mga biktima ng physical, sexual at psychological abuse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *