Possible dengue outbreak, pinaghahandaan na ng PDRRMO So.Cot

KORONADAL CITY- BAGAMAT nakatutok ngayon ang provincial government ng South Cotabato sa COVID 19 pandemic, pinasiguro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na handa pa rin ang mga ito oras na dumami ang kaso ng dengue sa lalawigan.

Ayon kay PDRRMO OIC Rolly Aquino na may inilaang pondo ang kanilang tanggapan para sa pagbili ng mga chemicals at machine para sa fogging operations sa mga barangay na may mataas na kaso ng dengue.

Sa datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) mula Enero nitong taon, nakapagtala na ang South Cotabato ng mahigit sa 700 dengue cases.

Napag-alaman na pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga mamamayan laban sa dengue dahil delikado na kung magkaroon ang mga ito ng dengue at COVID 19. Kung maaalala, isinailalim sa state of calamity ang South Cotabato noong July 2019 dahil sa dengue.

Ngayong taon, may dalawang barangay na nagdeklara ng state of calamity dahil sa dengue, ang Barangay Libertad, at Barangay Buenavista sa bayan ng Surallah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *