Pot All You Can”, tampok sa Kulitangtang Festival

KORONADAL CITY – TAMPOK sa Kulitangtang Festival ng bayan ng Tantangan ang “Pot All You Can” sa Enero 27 na gaganapin sa kahabaan ng national highway, alas-2 ng hapon.

Sa naturang aktibidad, bibigyan ng ilang minuto ang mga partisipante na makapaghakot ng mga pottery products na kanilang gusto at kaya nilang buhatin.

Upang makasali sa “Pot All You Can”, kailangang magbayad ng P 100 na registration fee. Kabilang sa mga maaaring mahakot dito ang iba’t ibang size at uri ng mga paso, banga at iba pang pottery products. Ang Tantangan ang tinaguriang Pottery Capital ng South Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *