Poultry products bawal ipasok sa Koronadal, dahil sa banta ng bird flu

KORONADAL CITY — MAHIGPIT na ipinagbabawal ngayon ang pagpapapasok sa Koronadal ng mga poultry animals at poultry products sa loob ng 30 araw simula ngayong buwan ng Marso dahil sa kontaminasyon ng Avian Influenza strain sa Tacurong City.

Ito ay batay sa Memorandum Circular o MC No. 6 na ibinaba ng Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture o DA.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Charlemagne Calo, mahigpit ang kanilang pagbabantay sa bawat checkpoint papasok sa lungsod upang masigurong walang tina-transport na mga pato bebe, manok at iba pang mga poultry animals sa lungsod.

Pinagbabawalan din ang pagtransport ng mga itlog upang hindi makaapekto sa kalusugan ng tao.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi saklaw ng nasabing hakbang ang mga poultry product na may kaukulang dokumento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *