Power interruptions, posibleng maranasan ng lalawigan sa susunod na taon

Mas maraming power interruptions ang posibleng maranasan ng Lalawigan ng Sorsogon sa susunod na taon, ito ang naging pahayag ni Pedro Borja Jr, District Senior Manager, South Luzon Operation and Maintenance ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa kanyang pagharap sa Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon.

Ayon dito, dahilan ito ng pagtaas ng konsumo ng kuryente sa lalawigan.

Sa ngayon umano ay umaabot na sa maximum 60 megavolt amperes (MVA) o capacity lines at patuloy pa na tumataas ang loading o gamit ng kuryente sa probinsya.

Kung hindi magbabago ang panahon, posibleng makaranas ng mas maraming power outages ang buong lalawigan ng Sorsogon lalong-lalo na sa summer season sa susunod na taon.

Sa ngayon,, hinihintay nila na matapos ang mga bagong sub- stations tulad ng Abuyog sub station na inaasahang malaking tulong upang madagdagan ang supply ng kuryente sa lalawigan nang sa gayon ay hindi na umabot pa sa pangambang mas maraming power outages ang maranasan ng lalawigan.

Ayon pa sa NGCP, nakapag tala sila ng 12 power outages simula nitong January 2023 hanggang nitong nakaraang linggo.

Dalawa rito ay planned outages, ibig sabihin scheduled brownout dahil sa maintenance at sampu ang trippings o dahil sa mga bagay na dumikit sa linya ng kuryente tulad ng dahon ng niyog, ahas at mga sanga ng puno na sumablay sa linya ng kuryente kaya nagkaroon ng biglaang brownout.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *