PPA, nagpaalala hinggil sa travel insurance scammers

Nagbabala ang Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko na huwag magpapabiktima sa  mga travel insurance scammers.

Ayon kay PPA spokesperson Eunice Samonte, isang nanay kanyang anak ang nagbayad ng P500 sa isang indibidwal na na nag-offer ng travel insurance sa Manila North Port Passenger Terminal.

Paliwanag ni Samonte, hindi maiiwasan na may mga magbenta sa labas ng pantalan ng nasabing insurance.

Paalala ng opisyal, ang travel insurance ay kasama na mismo sa ticket na binibili sa pantalan.

Ibig sabihin aniya nito, hindi na kailangan pang magbayad ng karagdagang halaga para sa naturang insurance. Samantala, inaasahang aabot ng 2 milyon ang mga biyaherong dadagsa sa mga pantalan ngayong Semana Santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *