PPCRV-Albay, nanawagan sa mga botante at kandidato na huwag bumili at huwag ipagbili ang kanilang boto

BNFM BICOL—Muling nanawagan ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa lalawigan ng Albay sa mga kandidato at botante na huwag bumili at huwag ipagbibili ang boto ngayong Halalan.

Sa isang panayam sinabi ni Rev. Fr. Eric Martillano, na ang pamimili umano ng boto ay malinaw na paglabag sa Omnibus Election Code ng COMELEC at ito aniya ay isang bagay na mali sa paningin sa Diyos.

Patuloy din ang panawagan ng Simbahang Katolika sa publiko na makiisa sakanilang layunin sa pagkakaroon ng mapayapa at tapat na eleksyon sa pamamagitan ng pagboto ng matinong kandidato na may tunay na magandang hangarin para sa bansa.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *