PPCRV halos 100 percent nang handa, anim na araw bago ang halalan

Halos nasa 100 porsiyento na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa kanilang paghahanda para magbantay sa gaganapin national at local election sa Mayo 9.

Ayon kay PPCRV legal counsel at Spokesman Atty. Van dela Cruz sa ngayon patuloy ang kanilang deployment at activation ng nasa 500,000 volunteers sa buong bansa.

Sinabi naman ni dela Cruz na ang University of Sto. Tomas ang magiging command center nila ngayong halalan.

Inihayag naman ng PPCRV Spokeman na nitong weekend lang kasama sila sa isinigawang data center walk-thru ng Comelec sa media server at transparency server.

Ibinahagi naman ni dela Cruz na batay sa kanilang karanasan panatag silang accurate o tugma ang mga lumalabas na transmitted voting results at sa physical copies ng election returns na ibinibigay sa PPCRV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *