PPCRV, patuloy ang ginagawang pagsusuri para mapatunayang walang nangyaring iregularidad kaugnay sa bilis ng transmission ng mga boto

Patuloy ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa pagsusuri ang pagkolekta ng datos upang mapatunayang walang nangyaring iregularidad sa bilis ng transmission o pagpasok ng mga boto ngayong 2022 elections.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Atty. Van Dela Cruz, sinabi nitong patuloy na inaaral ng kanilang mga volunteers mula sa nasabing field ang transmission data mula sa kanilang server.

Bukod dito, pinag-aaralan na rin umano ng PPCRV ang kanilang datos na nakalap kaugnay naman sa mga napaulat na posibleng epekto ng pagkasira ng mga vote counting machine sa naging resulta ng bilangan.

Ayon pa kay Atty. Dela Cruz walang dapat na maging kwestyon sa nangyaring pagboto ng ating mga kababayan kahit na sira ang mga VCM dahil parte naman aniya ito ng proseso ng botohan.

Kaugnay pa nito, sinabi rin ng PPCRV na patuloy din ang kanilang pagsuri sa posibleng ‘6832 magic’ o posibleng dayaan sa bilangan.

Samantala, ipinunto ni Dela Cruz na sa kasalukuyan ay wala silang nakikita o naitatala na discrepancies sa nagpapatuloy na bilangan ng boto, dalawang araw matapos ang eleksyon.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *