PPCRV-Volunteers sa Sto. Domingo, Albay kasado na para sa paparating na Halalan

BNFM BICOL– Kasado na ang grupo ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPRCV sa bayan ng Sto. Domingo sa lalawigan ng Albay, ilang araw bago ang Halalan.

Sa isang panayam sinabi ni Sid Banzuela – ang head ng nasabing ‘non-partisan organization’, aabot umano sa 71 indibidwal ang kanilang volunteers ngayong eleksyon na pawang mga kabataan mula sa iba’t-ibang mga barangay ng kanilang bayan.

Sumailalim din aniya ang mga ito sa masusing orientation bago isasabak sa iba’t-ibang tungkulin na kanilang gagampanan sa araw ng Halalan.

Ang PPCRV ay isang non-government at non-partisan organization, na pinangungunahan ng simbahang katolika na nakikiisa sa layuning magkaroon ng mapayapa, ligtas at patas na eleksyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *