Paghahanda sa Palarong Panglungsod sa Naga, nasa 90% na; listahan ng mga paaralan at atletang lalalok, pinaplantsa na

NAGA CITY – 90% nang handa ang Naga City para sa Palarong Panglungsod, na pormal nang nagkaroon ng Kick Off Ceremony nitong nakaraang Sabado, petsa 17, at kasalukuyang pinaplantsa pa ng Division Screening and Accreditation Committee, ang listahan ng mga paaralan at mga atletang lalahok sa naturang sports event na posibleng maipalabas ngayong araw.

Ito ang napag-alaman kay Renz Chavez, Division Sports Coordinator, kung saan tinitiyak nilang walang magiging problema sa mga makakakomply ng mga requirements lalo na’t marami ang mga aspiring players ang sumali na dumaan sa masusing pagsusuri lalo pagdating sa kanilang medical screening.

Maging ang mga venue o paaralan na gagamitin para sa naturang event na mangyayari sa Pebrero 24 at 25, nakahanda na rin at siniguradong kompleto at komportable para sa mga manlalaro, katulad ng sa tubig, seguridad ng lugar lalo na’t nasa 1.6 milyon din ang inilaan ng Education, Scholarship and Sports Office o ESSO na gagamitin para sa ibang pangangailangan ng mga manlalaro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *