Presensiya ng PNP sa isang TTMF sa Camarines Norte hiniling

Hiningi ng Lokal na Pamahalaan ang presensiya muli ng mga pulis sa Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) sa Barangay Taisan, sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito na kasi ang pagdadalhan ng mga asymptomatic at mild cases mula sa naturang bayan matapos na tumigil ng operasyon ang District II TTMF sa bayan ng Vinzons kamakailan.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco, kinausap na niya ang bagong Chief of Police ng Basud Municipal Police Station na maglagay ulit ng mga pulis sa lugar sa sandaling matapos na ang renovation nito.

Ito umano ay upang maproteksyunan ang mga pasyente sa loob ng pasilidad kasunod na rin ng napaulat na kaso ng pangagahasa sa isang TTMF sa Albay kamakailan.

Sinabi ng Alkalde na mayroon naman daw talagang mga nakatalagang pulis dati sa lugar pero na pull- out lang.

Bibigyan din ng Personal Protective Equipment (PPE) ang mga itatalagang pulis upang maaari silang pumasok sa loob anumang oras kung kinakailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *