Presensya ng foreign aircraft asahan na sa mga susunod na resupply mission ayon sa AFP

Aasahan ang patuloy na presenysa ng foreign aircraft sa mga gagawin pang resupply mission ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa pinakahuling resupply mission sa Ayungin Shoal may isang eroplano mula sa hindi pa tukoy na banasa ang namataang umaaligid sa lugar.

Ayon kay Arm Forces Philippine Spokesperson Medel Aguilar, inaasahan na nilang may mga aircraft ang nakapaligid.

Mababatid na inanunsyo ng National Task Force West Philippine Sea na nakumpleto ng bansa ang pinakabagong resupplymission sa Ayungin Shoal sa kabila ng banta ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *