President Biden, nakiramay sa namatay na non-binary na teenager sa Amerika

Nanawagan si US President Joe Biden na itigil na ang diskriminasyon sa bansa matapos makita ng autopsy ng isang nonbinary teenager na namatay isang araw matapos makipagsagupaan sa tatlo pang estudyante.

Umani ng malawakang panawagan ang kaso ng 16-anyos na si Nex Benedict para sa pagbabago sa pagtrato sa mga trans at nonbinary.

Saad ni Biden, gusto lamang ng bata na matanggap siya at kung sana’y nakuha niya yon, maaring buhay pa ito.

Nanawagan ang Pangulo na wakasan ang diskriminasyon at agad na tugunan ang krisis sa suicide na nakakaapekto sa napakaraming nonbinary at transgender na kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *