President Joe Biden at Donald Trump, sabay na bibista sa US-Mexico border

Parehong bibisita sina US President Joe Biden at dating presidenteng Donald Trump sa US-Mexico border bukas upang makakuha ng mga boto sa immigration para sa darating na 2024 Presidential Elections.

Tumangging magkomento ang tagapagsalita ng White House na si Karine Jean-Pierre matapos i-claim ng mga opisyal na binalak ni Biden ang kanyang paglalakbay matapos ipahayag ang pagbisita ni Trump.

Idinagdag pa niya na makikipagpulong si Biden sa mga border patrol agents, law enforcement, at mga lokal na pinuno sa Brownsville, Texas.

Sinabi rin ni President Biden na hindi niya alam ang mga plano sa paglalakbay ng kanyang kalaban kaya’t nagkataon lamang na magkakasabay silang pupunta sa US-Mexico border.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *