Presidential Adviser Galvez: walang puwang ang kurapsyon sa OPAPRU

Tiniyak ni Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez na paiimbestigahan nito ang ‘di umano’y kurapsyon at anomalya sa pamamahagi ng P100,000 na cah grant para sa mga rebel returnees.

Ito ay matapos maungkat sa Senado ang ‘di umano’y 50% na cut sa mga commander para sa cash aid na bibigay sa mga magsisisukong Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay Galvez – hindi ito-tolerate ng kaniyang liderato ang ano mang uri ng mga iregular na transaksyon lalo na kung maaapakan nito ang kapakanan ng mga kapatid sa MILF.

Sabi ng Kalihim, kaagad nila itong iimbestigahan at kaagad na pananagutin ang nasa likod ng anomalya sakaling mapatunayang totoo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *