Press. Marcos, giniit na hindi tatanggalin si Chinese Ambassador Huang

Aminadong dismayado sa mga pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Giit ni Pangulong Marcos na hindi niya pino-personal sa harap ng mga panawagan ng ilang mambabatas na pauwiin na ng China o palitan si Huang.

Kasunod ito ng mainit na diskusyon ng Chinese Ambassador at ilang matataas na opisyal ng gobyerno Kabilang si AFP chief of staff Romeo Brawner Jr. kung saan pinagtanggol niya ang mga karapatan ng mg Pilipino sa West Philippine Sea.

Ayon pa sa Pangulo nag-iingat ang Pilipinas sa pagtugon sa sinasabing muling kumpulan ng mga barko ng China sa WPS at pagpasok ng mga ito sa Ayungin Shoal.

Una ng sinabi ng American security analyst Ray Powell, na tila may binabalak ang China sa pagpapakita ng pwersa nito sa Ayungin Shoal.

Base naman sa December 17 monitoring ng National Security Council hindi na aniya makikita sa bahura ang kumpunan ng mga barko ng China.

Nilinaw naman ni PBBM na walang kinalaman sa mga bagong insidente sa WPS ang mga pahayag nila ni Japan Prime Minister Fumio Kishida na tatapusin agad ang mga negosasyon para sa reciprocal access agreement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *