Presyo ng bigas sa Naga City People’s Mall umaabot na sa P67 ang kilo

NAGA CITY- Umaabot na sa P67.00 ang bawat kilo ng bigas sa Naga City People’s Mall.

Sa pag-iikot sa ground floor ng NCPM o ang pampublikong merkado sa lungsod mayroong mabibiling P54.00 ang bawat kilo, P55.00, P56.00, P63.00 hanggang sa P67.00 depende sa klase o ang premium milled, premium grade rice local hanggang sa special rice.   Ayon sa mga vendors, iba-iba ang suppliers nila.

Para sa 65-anyos na si Neneth ng Barangay Balatas Naga, matindi na ang presyuhan. Dati aniya bumibili siya ng P55 ang kilo magandang klase na. Tanong nito nasaan na kaya ang pangakong P20.00 na pangako ng administrasyon?

Samantala, sinabi sa BNFM Naga ni Department of Agriculture (DA) Bicol Spokesperson Love Guarin na kaliwa’t kanan ang mga programa ng ahensya upang mapataas ang supply ng bigas. Ngayong nagbabanta ang epekto ng El Niño Phenomenon may mga binhi, abonong ayuda.  Tinitiyak din ng National Irrigation Administration (NIA) – Bicol na maayos ang patubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *