Presyo ng de lata, instant noodles at bottled water kabilang sa mga tumaas  dahil sa sunod- sunod na oil price hike   -DTI

CAMARINES NORTE- Tumaas ng pito o halos walong porsiento ang presyo ng ilang commodities na karaniwang binibili ng mga konsyumer bunsod ng walang preno at tuloy- tuloy din na pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Batay ito sa latest monitoring ng Department of Trade and Industry sa mga establishment sa lalawigan ng Camarines Norte partikular sa Daet, Labo, Jose Panganiban at Sta Elena.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Alvin Sayno, Consumer Protection Division Head ng DTI sa Camarines Norte, inihayag nito na tumaas mula 10 sentimos hanggang halos tatlong piso ang ilang commodities.

Ang mga ito ay ang sardinas na tumaas ng halos 20 sentimos, noodles at instant mami na mula 10 hanggang 25 sentimos.

Tumaas din ang presyo ng bottled water ng mula 25 sentimos hanggang 2 piso.

Mas malaki naman ang itinaas sa presyo ng condensed milk na umabot sa P2. 75 at luncheon milk at iba pang canned meat products na nasa P1. 45.

At kahit hindi panahon ng Undas, tumaas din ang presyo ng kandila ng halos 50 sentimos.

Paliwanag ni Sayno, napakalaking factor talaga sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pagtaas naman ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Aniya, ang mga dahilan nito ay pagtaas ng presyo ng mga raw at packaging materials, production at iba pang logistic cost.

“Parang domino effect po yan, pag nagkaroon ng pagtaas sa petrolyo naapektuhan ang transportasyon, so ang mga raw materials po natin usually, siyempre may mga sources tayo niyan and siyempre nagkakaroon ng kaakibat na pagtaas sa presyo ng pagtaas sa presyo ng transportasyon, mapapatong din po yun sa production and eventually naapektuhan talaga ang presyo ng bilihin,” ani Sayno.

Gayunman tiniyak ni Sayno na sa kabuuan ay acceptable pa rin ang mga naitalang pagtaas sa presyo ng mga nabanggit na commodities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *