Presyo ng diesel sa Camarines Norte naglalaro sa P51- P59, gasolina P62- P67 kasunod ng ipinatupad na big-time oil price hike kahapon

CAMARINES NORTE- Nagpatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis  epektibo kahapon, Enero 18, 2022.

Dahil dito naglalaro na sa P51- P59 ang presyo ng diesel habang mahigit P62- P67 ang presyo ng gasolina sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa Shell Mancruz nasa P54. 90 ang presyo ng fuel save diesel, P59. 34 sa V- power diesel, P66. 38 sa Fuel save gasoline at P67. 13 sa V -power gasoline.

Sa Seaoil  P52. 90 sa Exceed diesel, P62. 80 sa Extreme U at P63. 30 sa Extreme gasoline.

Pareho naman ang presyo sa katabi nitong Caltex kung saan nasa P52. 90 ang presyo ng diesel,  P62. 80 sa Silver at P63. 30 sa platinum.

Sa Ptt nasa P52. 90 sa Blue gasoline, P62. 80 sa Blue Gasoline 93+ at P63. 30 naman sa Blue Gasoline 95+.

Sa Petron Centro P 51. 65 ang presyo ng diesel max, P62. 80 sa Xtra advance at P63. 30 sa XCX plus.

Ganito din ang presyuhan sa Petron pandan kung saan nakadagdag lang ang Turbo diesel na aabot P53. 85.

Pareho lang din ang presyuhan sa katapat nitong Phoenix gasoline station kung saan P51. 65 sa diesel, P62. 80 sa Super  unleaded at P63. 30 naman sa premium.

Ito na ang ika-3 sunod na linggong may pagtaas sa presyo ng langis.

Ayon sa mga taga taga-industriya ang pagtaas na ito ay dahil sa higpit sa supply,  may pagtaas sa demand kahit may banta ng omicron variant at mas mababa ang fuel exports sa Tsina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *