Local News

Presyo ng diesel sa Camarines Norte natapyasan ng hanggang P2, gasolina  nagtapyas naman ng hanggang mahigit P2

CAMARINES NORTE- Natapyasan ng hanggang dalawang piso ang presyo ng kada litro ng diesel habang mahigit dalawang piso naman sa gasolina.

Kasunod yan ng ipinatupad na oil price rollback nitong Martes, Setyembre 27.

Inikot ng Brigada News sa ilang mga gasolinahan sa lalawigan upang alamin ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa Shell Mancruz nasa P75. 75 ang presyo ng kada litro ng kanilang fuel save diesel mula sa P77. 00  noong nakaraang linggo at P80. 74 sa V power diesel mula sa P81. 99 noong nakaraang linggo.

Nasa P74. 15 ang presyo ng kada litro ngayon ng kanilang Fuel save gasoline mula sa P75. 80 noong nakaraang linggo at P76. 14 ang presyo ng V power gasoline mula sa P77. 79 noong nakaraang linggo.

Sa Seoil nasa P74. 75 ang kada litro ng exceed diesel mula sa P76. 00 noong nakaraang linggo, P71. 90 ang kada litro ng extreme U mula sa P73. 55 noong nakaraang linggo at ang  extreme 95 ay nasa P72. 40 mula P74. 05 noong nakaraang linggo.

Sa Ptt gasoline station P74. 75 ang presyo ng kada litro ng kanilang blue diesel mula sa P76.00 noong nakaraang linggo, P71. 20 ang kada litro ng kanilang Blue Gasoline 93+ mula sa P73. 55 noong nakaraang linggo at P72. 40 naman sa Blue Gasoline 95+ mula sa P74. 05 noong nakaraang linggo.

Pagdating naman sa Phoenix petroleum P75. 75 ang presyo sa kada litro ng diesel, P74. 15 sa super unleaded at P74. 65 naman sa premium.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat nitong Petron Pandan para sa kanilang diesel at Xtra advance habang P75. 15 sa XCS at P77. 75 sa Turbo diesel.

Sa Petro gazz Basud P74. 55 sa diesel, P71. 90 sa unleaded at P72. 40 sa premium.

BNFM Daet

Recent Posts

Pagbabalik ng lumang school calendar – isinasapinal na ng DepEd

Hinihintay na lang ng Department of Education (DepEd) na matapos ang ginagawa nilang final school…

2 mins ago

DOJ – ipinag-utos na ang imbestigasyon sa ‘strip search’ sa Bilibid

Iimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang napaulat na umano'y strip searches na isinasagawa…

13 mins ago

Lokal na Pamahalaan ng San Felipe, nanalo sa isinagawang Zambaliwanag Float Festival

Nakuha ng Lokal na Pamahalaan ng San Felipe ang kampeon sa kakatapos lang na Zambaliwanag…

16 mins ago

PNP, tuloy-tuloy ang paghahanap kay Bantag

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanap ng Philippine National Police (PNP) kay dating Bureau of Corrections chief…

23 mins ago

Mananagat, sikop sa drug-buy bust operation

NABALHOG sa selda sa kapulisan sa GenSan ang usa ka mananagat human kini madakpan sa…

33 mins ago

Sen. Dela Rosa, nanindigang ‘di siya magagamit ni FPRRD para patalsikin si Pangulong Marcos

'Never akong magagamit' 'yan ang bwelta ni dating Philippine National Police (PNP) chief Senador Ronald…

37 mins ago