Presyo ng diesel sa Camarines Norte natapyasan ng hanggang P2, gasolina  nagtapyas naman ng hanggang mahigit P2

CAMARINES NORTE- Natapyasan ng hanggang dalawang piso ang presyo ng kada litro ng diesel habang mahigit dalawang piso naman sa gasolina.

Kasunod yan ng ipinatupad na oil price rollback nitong Martes, Setyembre 27.

Inikot ng Brigada News sa ilang mga gasolinahan sa lalawigan upang alamin ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa Shell Mancruz nasa P75. 75 ang presyo ng kada litro ng kanilang fuel save diesel mula sa P77. 00  noong nakaraang linggo at P80. 74 sa V power diesel mula sa P81. 99 noong nakaraang linggo.

Nasa P74. 15 ang presyo ng kada litro ngayon ng kanilang Fuel save gasoline mula sa P75. 80 noong nakaraang linggo at P76. 14 ang presyo ng V power gasoline mula sa P77. 79 noong nakaraang linggo.

Sa Seoil nasa P74. 75 ang kada litro ng exceed diesel mula sa P76. 00 noong nakaraang linggo, P71. 90 ang kada litro ng extreme U mula sa P73. 55 noong nakaraang linggo at ang  extreme 95 ay nasa P72. 40 mula P74. 05 noong nakaraang linggo.

Sa Ptt gasoline station P74. 75 ang presyo ng kada litro ng kanilang blue diesel mula sa P76.00 noong nakaraang linggo, P71. 20 ang kada litro ng kanilang Blue Gasoline 93+ mula sa P73. 55 noong nakaraang linggo at P72. 40 naman sa Blue Gasoline 95+ mula sa P74. 05 noong nakaraang linggo.

Pagdating naman sa Phoenix petroleum P75. 75 ang presyo sa kada litro ng diesel, P74. 15 sa super unleaded at P74. 65 naman sa premium.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat nitong Petron Pandan para sa kanilang diesel at Xtra advance habang P75. 15 sa XCS at P77. 75 sa Turbo diesel.

Sa Petro gazz Basud P74. 55 sa diesel, P71. 90 sa unleaded at P72. 40 sa premium.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *