Presyo ng ilang Christmas holiday products, tumaas ngayong taon – DTI Bicol

LEGAZPI CITY – Kamakailan ay nagpalabas na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng kanilang price guide para sa mga holiday products ngayong Christmas season.

Subalit, nilinaw ni DTI Bicol Consumer Protection Division Chief Ruben Sombon sa Brigada News FM Legazpi na ang inilabas ng head office ay hindi naman talaga suggested retail prices ng mga produkto.

Namataan din umano rito ang bahagyang pagtaas ng mga presyo ng ilang produkto.

Ayon kay Sombon, ilan sa mga produktong ito ay ang ham products, fruit cocktails para sa salads, spaghetti pati na spaghetti sauces at elbow macaroni.

Aniya, ang pagtaas ng mga presyo nito ay hindi naman naiiwasan.

Halimbawa naman sa pagtaas ng presyo, kung noong nakaraang taon ay nasa PHP362 ang isang ham base sa price guide, ngayon ay nasa PHP370 na ito.

Base umano sa sinasabi sakanila ng mga manufacturers, mataas din ang cost ng raw materials na ginagamit para sa paggawa ng nasabing mga produkto.

Samantala, tiniyak namna ni Sombon, hindi na magbabago ang itinalang presyo nito base sa price guide hanggang Disyembre 31 at ito rin ang pinangako ng manufacturers at distributors.

Nagpapatuloy naman umano ang monitoring ng kanilang tanggapan sa lahat ng mga business establishments upang tingnan kung mayroong mga hindi sumusunod sa ibinabang price guide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *