Presyo ng kuryente at damit nakapag contribute sa 7.9% inflation sa Camarines Sur

NAGA CITY- Mataas ang power rate sa Camarines Sur nitong mga nagdaang buwan, isa ito sa nakapag contribute sa 7.9% na inflation na siyang pinakamataas sa Bicol nitong Oktubre.

Nakikita rin ang unti-unting pagtaas ng presyo ng mga damit ngayong paparating na ang pasko. Ito ay ayon kay Jovylin  Cacho – Acting Supervising Statistical Specialist II ng Philippine Statistics Authority (PSA- Camarines Sur).

Pinakamalaki sa rate ng increase o mabilis ang pagtaas ng presyo ay ang pagkain, kumpara dati na transportasyon . Noong Oktubre kasi ay unti-unti ring nababawasan ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Sinabi naman ni Cacho na hindi nila ma-proproject kung bibilis pa lalo ang pagbabago sa presyo ng bilihin para sa darating na Disyembre pero kung titinggan aniya nag trend mula pataas ng pataas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *