Presyo ng kuryente ng SOCOTECO 1, bumaba

KORONADAL CITY – BUMABA ang singil sa kuryente ng South Cotabato Electric Cooperative (SOCOTECO 1) para sa electric bill sa buwan ng Nobyembre.

Inihayag ni Francis Jone Bravante, Finance Services Department In-Charge ng SOCOTECO 1 na ang pagbaba ng power rates ay bunsod ng ipinatupad na over-recoveries refund.

Ang one-time refund ay alinsunod sa ERC Resolution No.14, Series of 2022 Article 5 Section 1 C. Dahil dito, mahigit sa P 3 per kilowatt hour ang ibinaba sa presyo ng kuryente o nasa P 8.13 per kilowatt hour na lamang para sa residential.

Ang mga may konsumong 200 kilowatt hours ay makakaasa ng mahigit sa P 600 na bawas sa kanilang electric bill. Ngunit nilinaw ng SOCOTECO 1 na ito ay one-time refund lamang at posibleng bumalik na sa normal ang presyo ng kuryente sa susunod na buwan kung kayat kailangan pa rin ang patuloy na pagtitipid sa paggamit ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *