Presyo ng LPG, walang inaasahang paggalaw ngayong Marso

Walang inaasahang pag galaw sa presyo ng LPG o Liquefied Petroleum Gas ngayong buwan ng Marso.

Ipinaliwanag ni Director Rino Abad ng Oil Management Bureau ng Department of Energy, na dahil patapos na ang winter season sa mga bansa sa Northern hemisphere, kaya unti-unti nang nababawasan ang demand ng LPG globally.

Dagdag ni Abad, asahan ang stable na presyo ng LPG hanggang September ngayong taon.

Nabatid na una nang nag anunsyo ang OMB na magkakaroon ng dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *