Presyo ng mga bulaklak at kandila sa labas ng sementeryo, mas mataas

Mas mataas ang presyo ngayong Undas ng mga ibinebenteng bulaklak at kandila sa labas ng Manila South Cemetery.

Nagkakahalaga ang per pack ng bulaklak ng P50 hanggang P60 pesos habang ang kandila ay tumaas din mula sa dating P100 na ngayon ay 120.

Ang Malaysian Mums, ngayon ay P50 na dating P30 pesos, sa radus na dating P50 ngayon ay P60 pesos na. Habang ang flower arrangements naman ay pumapatak sa P150 hanggang P300.

Pagdating naman sa kandila ay tumaas ito ng P10 hanggang P20 pesos. Ang Liwanag Vigil Candle, ngayon ay P120 habang ang Liwanag esperma candle naman ay nasa 80 pesos.

Ayon sa tinderong si Nolan Celeste, nagsimula ang taas-presyo noong Oktubre 25 bunsod ng pagsipa ng presyo ng mga bulaklak sa dangwa.

Dagdag pa niya, mahina ang kita sa mga ibinebentang bulaklak at kandila ngayon kumpara sa nakaraang Undas.

Inihayag din nito na hindi posibleng bumaba ang mga presyo ngayon hanggang bukas dahil sa mas mataas na puhanan.

Samantala, umabot na sa 30,000 ang mga kababayan nating bumisita dito sa Manila South Cemetery, habang 10,500 na ang nakalabas at 19,500 pa rin ang nanatili sa loob ng sementeryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *