Presyo ng pang-media noche, hindi na inaasahang gagalaw – DTI

Tiwala ang Department of Trade and Industry o DTI-Consumer protection group na hindi na gagalaw ang presyo ng produktong pang media noche.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni Asst. Secretary Atty. Amanda Nograles ng Consumer Protection Group, may commitment anya sa kanila ang mga manufacturer at retailers na mananatili ang presyo hanggang December 31.

Pero patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng ahensya, para matiyak na walang negosyanteng magsasamantala sa presyo.

Nitong nakalipas na linggo, may ilang report na inaksyunan ang DTI hinggil sa mga nagbebenta ng mas mataas sa price guide na inilabas ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *