Presyo ng produktong petrolyo tumaas na naman sa ika-anim na sunod na linggo

CAMARINES NORTE – Tumaas na naman sa ika- anim na sunod na linggo ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Dahil dito naglalaro na sa mahigit P66 hanggang P80 ang kada litro ng diesel habang mahigit P68 naman at mahigit P80 ang kada litro ng gasolina sa ilang gasolinahan sa bayan ng Daet.

Sa Shell Mancruz nasa P67. 90 ang kada litro ng kanilang fuel save diesel, P80. 50 sa V power diesel, P73. 85 sa fuel save gasoline at P80. 25 sa V power gasoline.

Sa Seaoil, P66. 85 ang kada litro ng exceed diesel, P68. 20 sa Extreme U at P68. 70 sa Extreme 95.

Sa katabi naman nitong Caltex nasa P67. 20 ang kada litro ng diesel, P68. 60 sa silver at P69. 10 sa Platinum.

Sa PTT gasoline station P65. 75 ang kada litro ng kanilang blue diesel, P67. 75 sa Blue Gasoline 93+ at P68. 90 sa  Blue Gasoline 95+.

Sa Petron Pandan naman P65. 80 ang kada litro ng disesel, P67. 85 sa Xtra advance, P69. 15 sa XCS at P68. 80 sa Turbo diesel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *