Presyuhan ng mga agricultural products sa Naga City, posibleng tumaas ngayong may banta ng El Niño Phenomenon

NAGA CITY – Bagamat wala pang direktang epekto sa Naga City at Camarines Sur ang banta ng El Niño Phenomenon, inaasahan ng Committee on Consumer Protection sa Naga, ang posibleng pagtaas ng presyuhan ng mga Agricultural Products, kagaya ng mga root crops, lalo na’t ngayong buwan ng Marso hanggang Abril, tataas ang temperatura at mararanasan ang mas mainit na panahon.

Ito ang napag-alaman kay City Councilor Jess Albeus, Chairman ng Komitiba, base na rin sa kanilang monitoring at obserbasyon na kapag sobra ang init, apektado ang mga pananim lalo na kung hindi maayos o kulang ang tubig sa mga irigasyon na posibleng magkukulang rin ang suplay ng mga ito.

Samantala, pumalo na sa 375.4 milyon ang halaga ng pinsala sa agricultural sector sa bansa at ilang LGUs sa Mindoro Oriental at Occidental ang nagdeklara ng state of calamity habang sa merkado publiko sa lungsod wala pang nakikitang paggalaw sa mga presyuhan ng mga produkto at wala pang pagkukulang sa suplay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *