Price Freeze sa mga pangunahing bilihin, malabo pa — DTI CAMSUR

CAMARINES SUR — Hindi pa nakikita ng Department of Trade and Industry Camarines Sur, ang posibilidad ng pagdeklara ng price freeze sa mga pangunahing bilihin ngayong nararanasan pa ang matinding init ng panahon, epekto ng El Niño Phenomenon.

Sa panayam kay DTI Provincial Director, Jay Ablan, sinabing ang basehan ng pagdeklara ng price freeze ay nakadepende sa deklarasyon ng bawat Lokal na Pamahalaan ng state of calamity sa nagpapatuloy na tagtuyot, kung saan sa sitwasyon ngayon sa probinsya ng Camarines Sur, wala naman.

Sa ngayon, habang malabo na ang price freeze, ang binabantayan ng DTI, ang pagiging compliance ng mga tindahan sa tamang suggested retail price (SRP) at ang mapanatili ang sapat ma supply upang maiwasan ang mas lalo pang taas presyo ng mga produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *