Price Guide sa mga Noche Buena products inilabas na ng DTI

CAMARINES NORTE – Inilabas na kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa noche buena products.

Kabilang sa mga Noche Buena products ay ang ham, fruit cocktail, keso de bola, mayonnaise, all-purpose cream, sandwich spread, spaghetti, pasta, elbow macaroni, tomato sauce, salad macaroni, at spaghetti sauce.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sa tagapagsalita ng DTI Camarines Norte Provincial Office na si Marian Pearl Ibasco Mendoza  sinabi nito na ang inilabas na price guide ay epektibo simula ngayong araw, November 22, 2023 hanggang December 31, 2023.

Batay sa price guide naglalaro mula P169 hanggang P898 ang presyo ng ham depende sa brand at sa laki ng mga ito. Ang fruit cocktail naman ay naglalaro mula P57. 72 hanggang P293. 86 depende rin sa brand at sa laki.

Mula P54. 50 naman hanggang P420 ang presyo ng cheese, P211 hanggang P435 sa keso de bola, P24. 70 hanggang P193 sa mayonnaise, P29. 50 hanggang P263 sa sandwich spread, P30. 95 hanggang P105 sa pasta, P23.00 hanggang P124 sa elbow macaroni, P36. 50 hanggang P123 sa salad macaroni, P39. 50 hanggang P103 sa spaghetti sauce, P15. 50 hanggang P92. 25 sa tomato sauce at P36. 50 hanggang P59. 95 sa all -purpose cream.

Kaugnay nito ay sisimulan na rin ng DTI ang monitoring sa noche Buena products kasunod ng inilabas na price guide.

Sabi ni Mendoza hindi na inaasahan na magkakaroon pa ng pagtaas sa presyo ang mga noche buena products dahil bago inilabas ang price guide ay nagkaroon muna ng consultation sa mga manufacturers at retailers.

Hinimok naman ng DTI ang mga consumer na dumulog sa kanilang opisina kung may reklamo sa presyo ng mga binibiling produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *