Primewater nanawagan sa publiko na magtipid sa tubig sa gitna ng nararanasang epekto ng El Niño

CAMARINES NORTE – Nanawagan ang Primewater Infrastructure Corporation sa publiko na magtipid sa tubig sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon dahil sa El Niño phenomenon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Primewater Camarines Norte Branch Manager Engr. Johnson Chan, inihayag nito na nagkaroon ng “significant” na pagbaba ang lebel ng mga spring sources.

Mayroong apat na spring sources ang Primewater, ito ang Alinao, Banban, Pimentel at Boro- Boro.

Gayunman, nilinaw ni Chan na hindi pa naman ito umaabot sa critival level.

Mayroon din umanong augmentation well na pinapagana kapag kulang ang ibinibigay na suplay ng mga spring sources.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *