Prince William, balik na sa trabaho matapos ang operasyon ng kanyang asawa

Babalik na sa kanyang tungkulin si Prince William matapos sumailalim ang kanyang asawa na si Kate, Princess of Wales sa abdominal surgery.

Maalalang ipinagpaliban ng Prinsipe ang kanyang trabaho upang tumulong sa pag-aalaga sa kanilang tatlong anak, habang nagpapagaling pa ang kanyang asawa.

Sumailalim si Kate sa operasyon noong nakaraang buwan para sa isang hindi tinukoy, ngunit hindi cancerous na kondisyon.

Inaasahan namang makabalik sa trabaho ang Princess of Wales sa pagtatapos ng Easter.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *