Princess Kate of Wales, inaunsyong may cancer

Inanunsyo ni Princess Catherine (Kate) of Wales na na-diagnose siyang may cancer matapos ang kanyang major abdominal surgery noong Enero.

Nagsasagawa na ng preventative chemotherapy ang asawa ng tagapagmana ng British Throne na si Prince William.

Bagama’t sinabi ng doktor na hindi cancerous ang kanyang condition noong Enero, napagalaman sa mga tests na present ang cancer sa kanyang katawan.

Dumating ang balitang ito ilang linggo lang ang nakalipas matapos isiwalat ni King Charles III na siya rin ay may cancer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *