Visayas

‘Priority list ng vaccination rollout’ dapat sundin sa gitna ng panawagan na bakunahan na rin ang mga estudyante ayon kay Sen. Go

Nanindigan si Senador Christopher Bong Go na dapat sundin ang priority list ng vaccination rollout.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ang mga panawagan na bakunahan na rin ang mga estudyante sa kolehiyo.

Nilinaw ni Go na gusto niya at ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng Pilipino pero dapat sundin ang  priority list dahil kasama ito sa kasunduan sa COVAX facility ng World Health Organization.

Bagama’t pwede naman umanong niyang irekomenda sa IATF na pag-aralan ang naturang usapin dapat munang sumunod ang bansa sa regulasyon ng  COVAX para hindi magkaproblema ang bansa sa supply ng bakuna.

Sinabi ni Go na gusto din niyang  unti-unting makabalik sa face to face classes ang mga estudyante pero dapat masiguro muna na ligtas ang mga gusto at mga mag-aaral.

Dagdag ni Go, kung siya ang masusunod at sobra na ang supply ng bakuna, ipag-uutos niya ang pagbabakuna sa lahat ng  sector.

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

6 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

6 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

6 hours ago