National

Private sector papayagan nang magsagawa ng COVID-19 vaccination

Inihayag ng COVID-19 Vaccination Operation Center na papayagan nilang makapagsagawa ng pagbabakuna ang mga pribadong sektor.

Subalit ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje ito ay kung masusunod ng mga private sector ang physical plan ng Department of Health at vaccinating implementing units.

Kabilang sa mga sisilipin ng DOH ay ang mga gagamitin sa pagbabakuna at kalaaman ng mga mag-aadminister ng bakuna na umano’y dapat dumaan sa tamang training.

Sinabi din ng DOH na obligado ang pribadong sektor na magpadala ng listahan sa kanila sa mga taong mababakunahan upang mamonitor ang mga ito sa posibleng adverse effects.

Maliban dito kailangan munang inspeksyunin ng DOH ang vaccination sites at suriin kung ang mga bakunang gagamitin ay pasok sa Emergency Use Authorization.

Dagdag pa ni Cabotaje, titingnan din nila ang paraan ng private sector sa pagdistribute ng nabiling bakuna kontra COVID-19. (LEY BAGUIO)

BNFM Makati

Recent Posts

Menor de edad, wala ng buhay nang matagpuan sa Mauban, Quezon

Palutang-lutang at wala ng buhay nang matagpuan ang isang menor de edad sa Maapon River,…

4 mins ago

727 athletes at coaches ng Naga City nasa Legaspi City na para sa Palarong Bicol 2024

NAGA CITY – Nasa Legaspi City na ngayon ang buong team ng mga manlalaro ng…

12 mins ago

Mga bakawan sa Calabanga, Camarines Sur, kulang na kulang pa; kakaunting supply ng isda at ipa pang lamang dagat, problema pa rin

CAMARINES SUR - Kulang na kulang pa ang bakawan sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur,…

21 mins ago

Estudyante patay matapos barilin sa loob ng bahay habang sumasagot ng modules sa Cebu

Patay matapos malapitang pagbabarilin ang 14-anyos na babae sa loob mismo ng kanyang bahay habang…

26 mins ago

Minor na nahuli sa panibagong Anti-Drugs Operation sa Naga City konsideradong Children In Conflict With the Law

NAGA CITY – Konsideradong Children In Conflict With The Law ang isang diumano’y minor de…

56 mins ago

Mababa o mataas na inflation rate mahalagang malaman ng isang mamamayan – PSA

CAMARINES SUR – Mahalagang nalalaman ng isang mamamayan ang mababa o mataas na inflation rate…

1 hour ago