Private SUV na nag-cacarpooling umano huli ng LTFRB

Huli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang isang pribadong SUV na nag-cacarpooling umano sa Olongapo City kahapon.

Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang Roadside Monitoring/ Anti-Colorum Operation ng Enforcement Team ng LTFRB Region 3.

Ayon sa LTFRB, ito ay tumatakbo umano bilang PUV service na walang otoridad ng ahensya.

Kasalukuyang naka-impound ang SUV sa impounding area ng ahensya sa Barangay Bical, Mabalacat, Pampanga.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *