Probinsya ng Camarines Sur, nakapagtala ng pinakamataas na Animal Bite Cases sa taong 2023 – DOH Bicol

CAMARINES SUR – Umabot sa mahigit dalawamput siyam na libo ang naitalang animal bite cases sa probinsya ng Camarines Sur ayon sa Department of Health para sa taong 2023, pinakamataas sa lahat ng probinsya ng Bicol.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Naga City Veterinary Office sa pamamagitan ni Dra. Marilee Lingua sa mga fur parents o mga may alagang hayop na ipa-pre-exposure vaccination ang mga ito, nakakagat man o hindi pa.

Samantala, sa isang press conference, binigyang-diin rin ng DOH Bicol ang mga kakabit na batas hinggil sa responsableng  pangngalaga ng mga alagang hayop lalo na ng pagpaturok ng anti-rabies vaccine alinsunod sa Anti-Rabies Act of 2007 at Executive Order Number 84 Memorandum of Agreement on Interangency Implementation ng National Rabies Prevention and Control Program.

Kung saan may karampatang parusang haharapin o katumbas na multang nasa dalawang libong piso kung hindi rehistrado at nabakunahan ng anti-rabies ang mga alagang aso at iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *