PROBINSYA NG ISABELA, KABILANG SA SIYAM NA LUGAR SA BANSA NA MAKIKINABANG SA $39.3M CLIMATE-RESILIENT AGRI-PROJECT

Napabilang ang Isabela sa mga probinsya sa bansa na makikinabang sa $39.3 million Climate-Resilient Agricultural Project.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, bukos sa Isabela ay kabilang din sa nasabing proyekto ang Apayao, Ifugao, Kalinga, Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Bukidnon at North Cotabato.

Ito ay matapos ang isinagawang pagsusuri kung saan lumalabas sap ag-aaral na ang mga ito ay tinawag na climate-vulnerable areas.

Ang nasabing proyekto ay parte ng Adapting Philippine Agriculture to Climate Change at mayroong naaprobahan na USD 26.3 million na Green Climate Fund bukod pa sa $12.98 million na ipopondo ng Pamahalaan.

Layunin ng nasabing proyekto na mapaganda ang serbisyo at impormasyon hinggil sa climate-resilient agriculture sa pamamagitan ng low-emission technologies kung saan nasa 1.25 milyon na mga magsasaka ang makikinabang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *