Problema ng mga magsasaka sa mga palayang pinapasok ng tubig dagat sa bayan ng Mercedes tinugunan ng LGU

CAMARINES NORTE – Kumilos na ang Lokal na Pamahalaan para masolusyunan ang problema ng mga magsasaka sa Barangay Pambuhan Mercedes, Camarines Norte na pinapasok ng tubig dagat ang mga palayan sa tuwing umuulan at high tide.

Ayon sa Municipal Information Office, ipinag- utos na ni Mayor Alexander Pajarillo sa Municipal Engineering Office na gawan ng paraan na mapalawak ang daanan ng tubig para makadaloy ng maayos.

Sinimulan naman agad ng Engineering team ang pagsasaayos nito.

Gumawa ng daan malapit sa dagat mula sa palayan upang kahit may mga malakas na pag ulan ay hindi na maiimbak ang tubig dahil mayroon nang outlet na ginawa pabalik sa  dagat.

Matagal na raw kasi itong problema ng mga magsasaka sa tuwing high tide o umuulan ng malakas dahil pumapasok ang tubig dagat mula sa sabangan.

Bukod kasi sa makitid ito, may may mga lupa at bato na nakaharang sa daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pag apaw na nagiging dahilan naman para umagos at maipon ang tubig sa mga palayan.

Una rito ay sumulat ang Pambuhan Farmers Irrigators Association at ang Barangay Council sa Alkalde upang magsagawa ng dredging.

Dahil kaso mababaw na ang ilog, hirap makadaan ang mga bangka.

Posible namang masimulan ang proyekto sa Marso nitong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *