Problema sa suplay ng tubig ng mga taga Daet South, Basud at Mercedes sa tuwing umuulan matutuldukan na ngayong taon

CAMARINES NORTE – Tiniyak ng Primewater na masosolusyunan na ngayong taon ang problema ng mga taga Daet South, Basud at Mercedes sa suplay ng tubig sa tuwing umuulan ng malakas at humihinto ang operasyon ng Dagotdotan Filtration Facility (DFF) dahil sa paglabo ng Mampurog River.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Primewater Branch Manager Engr. Johnson Chan na kung hindi ngayong Enero ay magsisimula na sa Pebrero ang konstruksyon ng pretreatment facility.

Mayroon na umanong notice to proceed ang contractor ng proyekto na nagkakahalaga ng P55 milyon na tatagal ng 6 na buwan ang konstruksyon.

Sabi Chan walang ibang solusyon sa problema kundi ang konstruksyon ng nabanggit na pasilidad.

Kapag hindi malabo ang ilog ay makapagdaragdag aniya ito ng 3 MLD at kapag malabo naman ay mananatili lang ito sa 15 hanggang 18 MLD.

Ang development sa Mampurog area ang sinasabi ni Chan na dahilan kung bakit madalas na lumabo ang ilog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *