Problema sa tubig, dapat nang matuldukan sa loob ng 90 days na compliance period na ibinigay sa PWI

Dapat na umanong matuldukan ang problema sa suplay ng tubig sa lungsod ng Sorsogon sa loob ng 90 days compliance period, ayon ito sa mga opisyal ng 8th City Council sa pagharap ng pamunuan ng Sorsogon City Water District (SCWD) at Prime Water Infrastructure Corporation (PWIC) sa regular session kahapon.

Ayon kay Vice Mayor Eric Dioneda, wala na umanong saysay ang mga datos na ibinibigay ng Prime Water kung hindi naman anya ito maramdaman ng mga mamamayan ng lungsod ng Sorsogon.

Matagal na umanong nagsasakripisyo ang mga Sorsoganon sa problema sa suplay ng tubig.

Matatandaan na nagpalabas na ng notice of pre-termination ang Board of Directors ng SCWD matapos na hindi masunod ng Prime Water ang obligasyon nito sa ilalim ng Joint Venture Agreement o Catch Up Plan.

Kasunod nito, binigyan ng 90-araw ang Prime Water para kumpletuhin ang mga kakulangan nito sa loob ng 90 days compliance period.

Sa ngayon nasa 75.26% pa lamang ang completion rate ng Prime Water sa Catch Up Plan. Matatapos ang 90 days compliance period sa December 13, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *