Problemang nakita ng COA sa ₱50-million evacuation facility in Naga City, patapos nang ayusin- LGU

NAGA CITY- May leak ang palikuran, madulas ang sahig at may problema sa roofing. Ilan lamang ito sa mga nakitang problema ng Commission of Audit (COA) sa naging inspeksyon noong Pebrero sa ₱ 50-million worth na evacuation facility sa  Naga City na ayon sa Camp Management, ito ay inaayos na.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Events Protocol and Information Office Head at siyang camp manager Allen Reondanga, sinabing bilang camp manager una niya na itong iniulat sa City Engineering Office at tumugon naman pti ang contractor. Inayos na ang leak, kaya wala nang tumutulo na nagiging dahilan ng madulas na sahig, patapos na ang repair sa roofing at itatakda na rin ang pag-repaint sa namarkahang kisame.  Abril 29, 2024 nang lumabas ang COA report.

VC REONDANGA

Binigyan diin nito na hindi naman anggkop na sabihing  “hazardous” ang lugar dahil maayos naman itong naiturn over sa lokal na pamahalaan at maayos naman ang lagay ng opisina ng CEPPIO roon. Ang Multi-Purpose Evacuation Center (MPEC) ay grant ng Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *