Produksyon, marketing ng So.Cot Rice tututukan

KORONADAL CITY – PINOPROSESO na ng provincial government ng South Cotabato ang paghire ng general manager na mamumuno ng Post Harvest Facility na ipatatayo sa bayan ng Banga na bahagi ng Consolidated Rice Production and Mechanization System (CRPMS).

Ito ang inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr matapos na nagpalabas na ang Department of Agriculture o DA ng notice to proceed para sa construction ng naturang pasilidad. Sa pamamagitan nito, matututukan na ang marketing ng bigas at makakapagproduce na ang lalawigan ng South Cotabato Rice na mabibili ng mga mamamayan sa mas mababang halaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *