Produksyon ng Palay, mas mataas ng halos 2% ngayong taon ayon sa DA

Mas mataas ng halos dalawang porsyento ang produksyon ng palay ngayong taon kumpara sa nakalipas na 2022, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa unang siyam na buwan pa lamang ng 2023 ay naitala na ang 12.82 milyon na metriko tonelada ang kabuuang naaning palay sa mga sakahan habang mataas ito ng 2.31% sa unang siyam na buwan noong nakalipas na taon.

Una rito, sa pagsisimula pa lamang ng kasalukuyang taon ay inanunsyo na ng DA na inaasahan nilang mas mahihigitan ng produskyon ng palay ngayong 2023 ang mga naani kung ihahambing noong 2022.

Aabot sa 20 milyon metriko tonelada ang lokal na produksyon ng palay sa buong Pilipinas ngayong taon base sa DA na ngayong araw ay inanunsyo na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang bagong talagang kalihim sa katauhan ng Negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr.,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *