Program of works sa Irrigation System sa 3 barangay sa Naga City inihahanda na para sa epekto ng El Niño Phenomenon

NAGA CITY – May tatlong barangay sa Naga City ang nakikitaan ng problema sakaling umarangkada na ang sobrang init ng panahon na dala nitong El Niño Phenomenon, ito iyong Panicuason, San Felipe at San Isidro, kaya may pagkilos na ang City Agriculture Office para hingin ang program of works sa City Engineer’s Office.

Batay ito sa naging pahayag sa Brigada News FM Naga ni Frank Mendoza, OIC- City Agriculturist Officer kaugnay sa inihahanda nilang hakbang laban sa mararanasang tag init na makakaapekto sa sektor ng agrikultura lalo na sa upper barangay ng lungsod na walang irrigation system.

Sa ngayon nasa mahigit 150 ektarya ng agricultural land sa Naga City ang konsideradong bakante o hindi natataniman ng palay dahil na rin sa mga problemang kinakaharap ng mga magsasakang may-ari ng lupa,k abilang na nga ang sa irigasyon.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *